15 Kaisipan Patungkol sa Goyo: Ang Batang Heneral
Humataw sa Takilya ang pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral sa direksyon ni Jerrold Tarog. Ito’y pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Carlo Aquino at Mon Confiado.
Labis nitong pinukaw ang aking interes kaya naman napagpasiyahan akong panuorin ang pelikulang sumasalamin sa ating mayabong na kasaysaya. Narito sa ibaba ang 15 kaisipan na nakuha ko matapos panoorin ang Goyo: Ang Batang Heneral.
1. Maging tapat tayo sa prinsipyo at hindi sa namumuno.
2. Ang isang alipin na may damdamin at paggawa ay karapat-dapat na putungan ng korona. Ngunit ang isang haring may damdamin ngunit walang paggawa ay mas masahol pa sa alipin.
3. Ang kaligtasan natin ay ang pagsasakripisyo,
pagiging matapang, pagbibigigay karangalan at kagitingan. Hindi ang makatakas
at umatras sa laban. Wala nang panahon upang maging duwag, harapin na ang
realidad.
4. Kung minsan, ang pag-ibig lamang ang
kailangan natin upang mahanap kung ano ang nawawala at mapunan kung ano ang
kulang.
5. Hindi natin kailangan ng bayani, ang
kailangan natin ay sundalong nag-aalab ang kagustuhang mailigtas ang ating
bansa.
6. Patunayan nating marunong tayong
lumaban ng may kadakilaan at paninindigan.
7. Bumangon at harapin ang bukas nang
may tapang at dangal.
8. Sa likod ng mga kamalian nating
nagawa sa nakaraan, piliin natin matututo rito at bawian ng kabutihang gawi sa
kasalukuyan.
9. “Tandaan mo kung sino ka.” Dito mo
kunin ang lakas upang lumaban.
10. “Huwag kang magbulag-bulagan.”
Magkaroon ng pagkukusa at pagkiling sa
tama.
11 Hindi lahat ng matapang ay lumalaban.
At hindi lahat ng lumalaban ay matapang.
12. Ang langgam na nagbubuhat ng asukal
ay mas kahanga-hanga kaysa sa leong nakahiga lamang.
13. “Tayo ay mga sundalong puno ng
pag-ibig, hindi ng galit.”
14. Panindigan natin ang bawat salitang
ating binibitawan.
15. “Huwag tayong magpapagoyo sa
ginhawa’t sarap.”
Naghatid ng luha sa aking mga mata, at ngiti sa labi ang
pellikula. Mahalaga sa aking natunghayan ko ang pelikula sapagkat ito’y istorya
ng Pilipinas. Ito’y ating istorya ng ating pinagmulan.
ps: credits to the rightful owner of the picture.
Comments
Post a Comment