SI KIAN AY BIKTIMA NG KARAHASAN AT KASINUNGALINGAN NG PULISYA; HINDI SIYA KRIMINAL!

           Gabi ng Agosto 16 taong 2017, isang kagimbal gimbal na pangyayari ang nagbigay poot at hapis sa pamilya Delos Santos ng Caloocan City. 

    Namataang nakasubsob ang katawan ng labing pitong taong gulang at Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos, sa isang eskinita na puno ng basura. Ang kanyang ulo ay tadtad ng mga butas mula sa bala, at walang habas na tinaniman ng pulisya ng dalawang sachet ng shabu, at kuwareNta'y singkong baril sa kaniyang kaliwang kamay, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang Caloocan Philippine National Police (PNP)

    Inihayag ng pulisya na sangkot sa pagkamatay ni Kian, ang menor de edad ay nagsimulang magpaputok ng baril nang siya ay naaresto, sumunod ay nakipag bakbakan daw siya sa mga pulis.

    ANG KATOTOHANAN SA PAGKAMATAY NI KIAN.

    Ang footage ng CCTV at mga saksi ay nagsiwalat na siya ay kinaladkad sa isang madilim na eskinita at doon binaril. Ayon pa nga sa isang testsigo, narinig pa raw niya si Kian na nagmakaawa para sa sarili nitong buhay, “Tama na po! Tama na po! May test pa po ako bukas!” bago marinig ang tatlong putok 
ng baril, na humantong sa desisyon noong Huwebes, dalawampu't siyam ng Nobyembre taong 2018 sa Caloocan Regional Trial Court Branch 125, na hatulan ang tatlong Caloocan Police officers na nagkasala sa pagpatay sa labing pitong taong gulang na si Kian Loyd delos Santos.

    Ang paghatol ay ibinaba isang taon matapos mabaril si Kian noong Agosto 2017, na kung tutuusin ay napakatagal na panahon upang panagutin ang mga maysala. Nakalatag na ang lahat ng katotohan at ebidensiya, na isa siyang biktima, ngunit ipinagpilitan pa rin ng kapulisang gumawa ng sariling bersyon nila ng katotohanan.

    Ang pagkamatay ni Kian ay nagdulot ng malawakang pagkondena sa marahas na giyera kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang ngayon ay nagbubunga ng higit sa 27,000 na katao ang nakitilan ng buhay — na pinaghihinalaang drug peddler ang napatay sa magkahalong operasyon ng pulisya at pagpatay sa vigilante.

    Bilang karagdagan, halos 250 na mga tagapagtanggol ng karapatang pantao — kabilang ang mga unyonista, mamamahayag, abogado at tagapagtanggol ng karapatang pangkapaligiran ang nasawi.

    Si Kian ay isa sa maraming mga menor de edad na nakitil sa mga pangyayaring may kaugnayan sa droga mula pa noong 2016, at maaaring madagdagan pa ang bilang nito habang tayo ay nasasakal ng rehimeng duterte — isang trapo, pulpol at walang puso sa masa na Pangulo.

    Ngayon, naaalala niyo pa ba si Kian?

    Tatlong taon na ang nakalipas, naaalala niyo pa ba si Kian?

    Tatlong taon na ang nakalipas, buhay na buhay pa rin ang pang - aabuso, pag mamanipula, at pang aalipusta ng pulisya sa mga inosente, at walang kalaban - labang Pilipino.


    Si Kian ng Caloocan city, isang kabataang nangarap maging isang pulis pero ang mga taong tinitingala niya, at inaakala niyang modelo ng kapayapaan, ay siya rin palang kikitil ng kanyang buhay at wawasak ng kaniyang pangarap.


    HANGGAT NAGHAHARI ANG ISANG PASISTA, LAHAT TAYO AY MAARING MAGING ISANG KIAN.

ps: credits to the rightful owner of the photo.

Comments