COVID - 19 PRIMER : LAHAT NG DAPAT MONG MALAMAN PATUNGKOL SA COVID - 19 [Tagalog]



1. Ano ang COVID – 19 ?

Ito ang pinakabagong uri ng coronavirus disease, na unang opisyal na natukoy bilang SARS – COV – 2. 

Kabilang sa Coronaviridae family, na uri ng virus.

Tandaan: Ang COVID - 19 ay hindi isang virus, ito ay isang sakit, na coronavirus ang nakapag sasanhi.

Iniuugnay rito ang ilang sakit katulad ng SARS ( severe acute respiratory
syndrome) , MERS-COV (Middle East respiratory syndrome coronavirus), and sa common colds.


2. Ano ang iba’t – ibang uri ng Coronavirus (simula sa pinakauna, hanggang sa pinabago)?

• Human coronavirus 229E (HCoV-229E)
• Human coronavirus OC43 (HCoV-OC43)
• SARS-CoV
• Human coronavirus NL63 (HCoV-NL63, New Haven coronavirus)
• Human coronavirus HKU1
• Middle East respiratory
 syndrome coronavirus (MERS-CoV)
• Novel coronavirus (2019-nCoV)

3. Ano ang pinagmulan ng COVID – 19?

Nagmula ito sa bayan ng Wuhan, probinsya ng Hubei, sa bansang China.

4. Kauna – unahang kaso ng COVID – 19?

Noong Nobyembre 17, 2019, napaghinalaan na ang isang lalaking 55 anyos, residente ng Hubei, na nagdadala umanong isang bagong virus, tinawag nila itong patient zero.

Nakumpirma nila ang bagong sakit, at tinawag itong SARS – COV – 2, noong Disyembre 2019, kung saan 266 katao
 na ang nagkahawaan. (Source: South China Morning Post).


5. Paano nakahahawa sa iba ang taong COVID 19?

Ito ay isang sakit na nananatili sa ating respiratory system.

Naipapasa naman ito sa pamamagitan ng ‘respiratory droplets,’ galing ang taong may COVID – 19, na nagsalita, umubo at humatsing.

Ang virus ay maaaring masuspinde sa hangin sa maikling panahon, at mahahagilap nito ang mga taong hanggang nasa isang metro ang layo.

6. Ano ang probabilidad na ikaw mahawa at makahawa sa COVID – 19?

Ang COVID – 19 ay may infection rate an 1:3.5. Ibig sabihin nito, ang taong infected ay maaaring makahawa ng tatlo hanggang apat pang katao.
7. Paano naaapektuhan ng COVID – 19 ang ating respiratoryo?

Upang maging aktibo ang virus, nangangailangan ito ng host na matitirahan (ang tao), dahil ang virus ay itinuturing na walang buhay. Aatakihin nito ang ating respiratory system, at doon siya makapagpaparami. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pasiyente ay hirap nang makahinga.

8. Gaano katagal maaring mamalagi ang virus sayo, bago ka makaramdam ng simtomas ( o maging symptomatic) ? (Incubation period)

2 – 14 araw

9. Ano ang mga pauna at malalang simtomas?
Ubo, Sipon, Lagnat, Pagkapagod, Diarrhea.
Habang tumatagal, mararanasan naman ang hirap sa paghinga,, pagkabalisa ng respiratoryo, at komplikasyon sa baga, na maaring humantong sa pagkamatay.


10. Maaari rin bang makahawa ang mga asymptomatic?

Oo.

11. Persiyento ng malala, at katamtamang kaso ng COVID – 19 .

80% mild
10% severe (nangangailangan ng intensive treatment)

12. Sino ang m
ga mabilis kapitan ng virus?

Kadalasan, mga lalaki na may chronic illnesses katulad ng hypertension, diabetes, bronchial asthma, at heart dieases.

Doble – ingat din sa panahon ngayon ang mga bata at matatanda.

May malapit, at personal na ugnayan sa taong natukoy na mayroong COVID-19.

Nangangalaga ng mga taong may COVID-19.

Bumabiyahe at namamasada.

13. Ilan ang nasasawi sa COVID – 19 (mortality rate)?

Higit 2%. Bagamat 2%, ito ay nakaaalarma pa rin.

Mas marami ang nasasawi sa SARS and MERS-COV, na may mortality rate na 14% - 15%.

14. Ano ang pag – iingat na maaari nating gawin?

• Hugasan nang madalas ang mga kamay ng sabon at maligamgam na tubig nang 20 segundo hanggang 30 segundo.

• Gumamit ng alcohol-based na hand sanitizer na may 60 percent alcohol lamang kung walang magagamit na sabon at tubig

• Takpan ang mga pag-ubo at pagbahing gamit ang tissue, ng iyong manggas, o ng siko.

• Iwasang hawakan ang mata mo, ilong at bibig.

• Linisin at i-disinfect ang mga bagay at papag na madalas hawakan

• Kung masama ang pakiramdam mo, manatili sa tahanan, maliban kung magpapatingin para sa pangangalagang medikal.

Paalala: Iwasan ang diskriminasyon sa mga Front liners at COVID - 19 patients.

ps: credits to the rightful owner of the picture


Comments