Sa Lahi ng Magaganda: Paano mapagtatagumpayan ang Stress?
With great beauty comes with great responsibility.
Hindi madaling pagsabayin
ang pag-aaral, pamamahayag, pagsasaliksik at paglalaro ng Volleyball at pagsasayaw.
Dumating kami sa puntong halos bumigay na dahil hindi na namin makayanan ang
pagsasabay ng gawain, paghahabol sa mga aralin at pagsusulit, paggawa ng
proyekto, dyaryo, pag e-edit ng papel sa “research”, at ang nakapapagod na
training. Ngunit heto pa rin kami, buhay at patuloy na lumalaban.
Narito sa ibaba ang pitong
mga pagharap sa stress na dulot ng mga responsibilidad sa paaralan. Paraang
ginagawa ng mga magaganda.
1Magkaroon ng time management. Ilista mo ang
iyong mga gagawin at ipag sunod-sunod mo ito ayon sa iyong prayoridad.
Mahalaga ito upang maiwasan ang paghahabol ng mga gawain
2Marami ka mang ginagawa ngunit
kinakailangan mo pa ring huminga at magpahinga. Mga 10-15 minutong
pansamantalang pagbitaw sa iyong mga ginagawa ay sapat na.
3Sa halip na kalinisan ang mga ginagawa mo,
mahalin mo ang mga ito at mag-isip ka ng mga masasayang ala-alang ginagawa
mo ang mga ito.
4Huwag mong kalimutang humingi ng patnubay,
gabay, kalakasan at talas ng isipan sa Maykapal. Dahil kapag dumating ang pagkakataong
naiisipan mo nang bumitaw , siya ang maaari mong kapitan.
5Panghuli, isipin mong maganda ka kahit sa
pamantayan ng lipunan ay hindi kaaya-aya. Dahil kapag naniniwala kang maganda
ka ipinapahiwatig lang noon na may paniniwala at tiwala ka sa iyong sarili, na
kaya mo at mapagtatagumpayan mo kung ano man ang iyong ginagawa.
6Huwag kalimutang
tumawa at aliwin ang sarili. Makipag-usap sa iyong mga kaibigan upang
mabawasan ang iyong stress.
7Walang
permanente sa mundo. Kaya’t lumaban lamang! Habang may buhay, may pag-asa!
Nawa’y makatulong sa’yo
ang pitong paraang aming ginagawa, sa pagharap ng mga stress dulot ng
responsibilidad sa paaralan.
Ngayon, tatanungin kita,
“Ganda ka?”
ps: credits to the rightful owner of the picture. // hi kay axcel na ka collab ko sa article na ito <333
Comments
Post a Comment