Bakunang Ad5-NCoV at Sputnik V; Hindi Ligtas

    Tutol akong tangkilikin ng ating bansa ang mga bakunang hanggang sa ngayon ay patuloy pang pinag - aaralan. Kung talagang ligtas nga, ay bakit hindi pa tapos ang pagsasaliksik ukol dito? 

    Napahihina ng sistemang ipinaiiral nila, ang kahusayan at pagiging epektib ng bakuna, sapagkat hindi pa pulido at kompleto ang mga impormasyong dapat nating malaman, ni side effects nga ng mga ito, ayon sa GMA News, ay hindi pa nila natutuklasan. 
    Idineklara sa pook – sapot ng Sputnik V, na ito ang kauna – unahang rehistradong bakuna laban sa Corona Virus Disease – 19 (COVID – 19). Kasabay nito, naaprubahan ang Ad5-NCoV, isang patent medicine, na ang ibig sabihin ay ‘hindi nireresetang gamot at tago pa sa publiko ang ilang impormasyon’ ayon sa Merriam Webster.     Kaugnay nito, naalarma ang World Health Organization (WHO) at ipinahayag na hangga’t hindi pa napagtatagumpayan ang Phase III Clinical Trial, wala pang sapat na kredibilidad ang isang bakuna upang ma - isapubliko.     Hindi marapat na bilhin ng Pilipinas ang Sputnik V, at Ad5-NCoV sa kasalukuyan. Ang bakunang dumaan sa kompletong proseso, ang maituturing nating ligtas at tiyak na solusyon.     Kapag may tiyaga, may kasiguraduhan at kaligtasan.

ps: credits to the rightful owner of the picture.

Comments