Unification Letter of a **democratic mass organization** about the Online Class amidst pandemic


Malinaw na ang pandemya ay lubos na nakaaapekto sa sektor ng Edukasyon, Kabuhayan at Kalusugan.

Hangga’t walang mass testing, contact tracing, konkreto at masusing plano ang gobyerno, lalo tayong matatagalan sa pakikibaka, sa ating araw araw na pamumuhay. Pinaka malala pa’y umaasa na lamang ang gobyerno sa pagkakaroon ng vaccine kaysa solusyunan ang sitwasyon.
___________________


Bilang Iskolar ng Bayan, hindi katanggap – tanggap, at hindi patas, na mag aaral kami sa gitna ng pandemya nang walang mga paghahanda upang masigurado na ang lahat ay makatatanggap ng pantay na edukasyon.


Ang edukasyon ay nagiging isang pribilehiyo na, imbis karapatan.
____________________

Pang – una, nananawagan kami na magkaroon ng maayos na sistema sa pagpapatala (SIS), nang sa gayon ay magamit ito sa mas mabisang paraan, habang tumatagal.


Base sa aming obserbasyon, kahit bago pa man magkaroon ng pandemya, ay hindi matiwasay ang pagpapatakbo ng interface ng ating Unibersidad.


Nagsasaad ang mga hinaing katulad ng “Lag” o ang hindi tuloy tuloy, at hindi wastong paggana ng SIS, at ang napakahirap na enrollment system na aming nararanasan ngayong buwan lamang. ________________
Pangalawa, nananawagan din kami sa posibilidad ng pagkakaroon ng Ligtas na Balik Eskwela at Physical Classes. Kami ay nababahala dahil walang kita ang mga jeepney driver, mga tindero’t tindera ng pagkain at school supplies, at iba pa. Nasa gitna na tayo ng pandemya, at sila’y nahihirapan, kaya’t marapat lang natin silang suportahan.
______________________

Pangatlo ay ang aming paghahangad ng mass testing upang matagpuan ang mga sintomas, kaugnay sa Covid-19, at nang sa gayon ay magkaroon ng epektibong pagpatupad ng kaligtasan sa Unibersidad.

__________________Nararapat lamang na mapakinggan ang mga hangad na ito para sa kapakanan ng mga mag aaral, guro, manggagawa at ng institusyon.

Habang ang nakikitang solusyon ng ibang estudyante ay ang pagpapatupad ng academic freeze, nakikita ng aming panig na ito “student centric,” kaya mas nararapat na magpa tupad ng physical classes, sa tulong ng mass testing.

Kung kayanin man, magiging limitado at hindi gaanong ka epektibo ang pagkaroon ng online class sa Unibersidad dahil sa kakulangan sa pondo. Ang internet connection din ay mabagal, at hindi pantay ng bilis at bagal sa bawat komunindad.

Magiging manipestasiyon ng academic freeze ang kawalan ng trabaho para sa mga guro, dahil sa “no work, no pay” na policy. Isang taong panuruan (school year) na walang pasok, isang taon ding wala silang trabaho.

Hindi rin mabibigyan ng ayuda ang mga guro’t manggagawa, maging ang normal na mga mamamayan, dahil ubos na ubos na ang pera sa bayan at dahil sa kurapsyon.

Nawa’y marinig ninyo ang aming mga boses at daing, para sa ikabubuti ng lahat.

ps: credits to the rightful owner of the picture.



Comments