PNP, HINDI LANG UMAASTANG FRONT LINER, TEACHER NA RIN.

   

     PNP, handa raw magsilbi bilang guest speaker para sa blended learning na inilulunsad ng Department of Education.

    “Pulis ko, Teacher Ko,” ang tawag sa kanilang programa, na naglalayon ‘daw’ makatulong sa mga pampublikong paaralan, upang maipagpatuloy ang Taong Panuruan 2020 – 2021.

    Ilan sa mga sakop ng nasabing programa ang 1.) pagtuturo sa mga estudyante ng good manners and right conduct, 2.) peace and order, at 3.) kampanya laban sa pagsugpo sa illegal na droga.

    Ayon kay PNP Spokesperson, Bernard M. Banac, 'handa' raw sila sa paghahatid at pamamahagi rin sila ng modules sa mga liblib na lugar.

    Ang aming saloobin patungkol dito:


    Walang kredibilidad ang mga pulis upang magturo ng peace and order, sapagkat sila mismo'y ginagawang disiplina ang pananakit at pang - aabuso. Kilala ang PNP sa paggamit ng dahas, sa mga raliyistang payapa namang nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa gobyerno. Kaugnay nito, imbis na ipagtanggol ang mga kababaihang nagagahasa, sila pa mismo ang gumagawa ng kababuyang ito.

    Nasaan ang kanilang karapatan upang maging modelo ng 'peace and order'?

    Patungkol naman sa diskusyon ng right conduct, personal nila itong inilabag kaugnay sa Mañanita incident, na itinatanggi umano ng PNP na isyu pa rin magpahanggang sa ngayon, ngunit diyan sila nagkakamali, dahil kung ang ordinaryong mamamayan ay pinarurusahan nila, marapat ding tanggapin nila ang kaso, hinggil sa kanilang paglabag nila sa 1.) social distancing, 2.) stay at home 3.) no public gatherings protocol.

    Kapuna - puna rin na isa pa sa 'kanilang serbisyo', na kalaunan ay magiging salita at pasikat lamang, ay ang paghahatid ng mga modyul sa kanayunan, gayong kasabwat ang PNP sa pagpapasara ng paaralang lumad, at mabigat din nilang ipinaratang na marapat nang ipasara ang mga paaralang nasa rural, dahil nagtuturo raw sila ng karahasan; tulad ng pag r rally, na sa katotohanan ay karapatan din ng mga estudyante, bukod pa sa pag - aaral ; ang pagiging aktibista ay hindi tanda ng pagiging isang terorista.

    Hindi talaga mauubusan ng dahilan ang mga taong gahaman.

    Panghuli, wala silang karapatang magmutawi ukol sa kampanya laban sa droga, dahil sila ay sumag – ayon sa pag wasak ng mga gadyet na nakumpiska sa Bilidid, na sa aming palagay, ay may posibleng mabibigat na ebidensya patungkol sa mga ‘nakaupo sa pwesto’ na kasabwat sa drug trafficking.

    Malaki rin ang magiging pananagutan ng DEPED sa usapang ito, dahil ayon mismo sa kanilang misyon, "protektahan at itaguyod" ang edukasyon, ngunit tila nagsa sawalang bahala sila at nagbu bulag bulagan sa karahasan, kaya't naatim na nilang mahaluan ng karahasan at militarisasyon ang mga paaralan.

    'Kalidad at pantay' na edukasyon para sa lahat, hindi 'kalis at pulisya'.

    Sa konklusyon, walang magiging epektibong tulong ang ‘Pulis Mo, Teacher Ko’ Program at magkakalat lamang ito ng propagandang nagpapalinis sa sitema ng mga berdugo pati na rin sa administrasyon.

    TUTULAN ANG MILITARISASYON SA LOOB NG PAARALAN! UPHOLD ACADEMIC FREEDOM!

ps: credits to the rightful owner of the picture.

Comments