‘Matatapos’ ang Pagkabagot sa Bahay, pero ang Pagkalugmok ng Pilipinas, ‘Kailan kaya Matatapos’?

        Paglalaganap ng mga atleta’t manunuod sa basketbol court, paggala sa mall at pagtatampisaw sa dagat.

    Ilan lamang iyan sa mga nakasanayan nating gawin bilang kabataan, bago magsimula ang pandemya.     Natawa nga ako sa birong nakita ko sa aking ‘newsfeed’, sabi ay, “Paano nakaya ni Rapunzel na makulong sa tore ng labing – walong taon?” at napaisip ako, oo nga naman, haha!     Ang tanong nating lahat? Kailan ba matatapos ang quarantine?     Para sa akin, kahit matapos ang quarantine, hindi tayo agad – agad makababalik sa nakaugalian nating pamumuhay sa labas ng tahanan.     Gaya nga ng sabi sa paksa; ‘PAGKATAPOS ng quarantine’ kaya, tiyak na matatapos at matatapos talaga ito.
    Ang quarantine ay nagsimula limang buwan na ang nakalilipas, at patuloy pa.
    Ngunit, paalala ko sa iyo, kapwa Pilipino, na huwag sanang mabaling ang ating pagtingin, sa tunay at noon pa ma’y ating suliranin.     Hindi lamang krisis patungkol sa quarantine at ng pandemiya, ang sana’y hinihiling na nating mawakasan, kundi ang kahirapan ng Pilipino, at kurap na administrasyon.
    Ito’y umusbong noong 1898, at magpa hanggang ngayon.     Ang dalawang krisis na ito, ay atin nang nararanasan, bago pa nahalal si Emilio Aguinaldo, ang kauna – unahang presidente.
    Hirap at Kurap; pumapatay ito sa maraming buhay at kinabukasan.     Kung hindi natin aayusin nang sama – sama ang sistema, ano pa ang kinabukasang maghihintay sa atin, at sa susunod pa nating henerasyon?     Tama nga ang “history repeats itself, endlessly for those who are unwilling to learn from the past,” ni Leon Brown.     Gising, Pilipino! Isang siglo na tayong nasasakdal sa hirap! Hindi tayo tunay na malaya!
    Kung sa ating maykaya, quarantine lamang ang inaasam nating mawala.     Kung sa mayayaman, kahit nga hindi na nila hangarin na mamaalam ang quarantine, dahil maaari na nilang dalhin ang buhay-labas, gamit ang kanilang kapangyarihan.
    Ang mahihirap, nais na nilang matapos hindi lamang quarantine, kundi ang kapayabaang ipinararanas sa kanila, bawat araw.     Ang tatsulok, ay hindi lamang isang kanta, sumasalamin ito sa realidad nating mga Pilipino.     Pagkatapos ng quaratine, matatapos ang pananatili natin sa tahanan.     Pero pagkatapos ng quarantine, ang kahirapan, kawalan ng hustisya, at kakurapan, at marami pang iba, matatapos pang kaya?
    Paglaganap ng katotohanan, Paggala’t paglahok sa ‘facebook page’ ng mga ‘democratic mass organizations’ tulad ng Anakbayan, at Panday Sining.
    Ilan lamang iyan sa simulain at simpleng hakbang na iyong maitutulong upang ang kahi-rapsyon, ay tuluyan na rin nating mawakasan.

ps: credits to the rightful owner of the picture


Comments