Bagong Edukasyon; Mapagtatagumpayan kung Kalusugan, Komersiyo, Kabuhayan at Kahirapa'y Bibigyang Pansin




    Kahit anong sistemang hindi natin nakasanayan, at gagawa tayo ng sariwang simulain kaugnay dito, tayo may makararanas ng paninibago’t hirap.     Halimbawa lamang, pagkatapos ng tatlong taon, nag enrol ka sa isang bagong institusyon, na may ibang patakaran kumpara sa nakaraan mong paaralan, at marami pang iba.     Ngunit, paano kung ang sistemang babaguhin mo ay nakasanayan mo ng isang dekada?     Paano mo unti – unting isasantabi ang iyong naka-ugalian; gigising ka nang maaga upang hindi mahuli sa pagsusulit ng iyong guro, tawanan at tila titigan kapag hindi na maintindihan ang aralin.     Lahat ito’y magiging alaala muna, pansamantala.     Sa ayaw man natin o gusto, kailangan na nating tanggapin ang prominenteng pamamaraan ng pagkatuto; ang paggamit ng teknolohiya.     Bago natin tuluyang yakapin ang ‘new normal’ sa ating panahon, pag - aralan muna natin ang kalagayan ng apat na pangunahing sektor na lubusang maaapektuhan.     1.) Edukasyon - Hindi magiging praktikal ang remote learning, kumpara sa face - to - face learning. Ayon sa Department of Education (DepED), 10.4 milyong estudayante ang kumpirmadong hindi isusulong ang kanilang pag – aaral sa taong panuruan 2020 – 2021.
    2.) Kabuhayan at Kahirapan - Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 7.3 milyong Pilipinong may trabaho bago magsimula ang pandemya, 2.3 milyong Pilipino na lamang ang kumakayod sa kasalukuyan.     3.) Kalusugan - Kitang kita rin ang kawalan ng progreso sa pagsugpo sa pandemiya. Kada araw, pataas nang pataas ang kaso, ibinabalita ito ng DepED araw – araw.     4.) Komerisyo – Ang pagawaan, inprastraktura at pook – pasyalan ay bukas sa publiko. Pinahihintulutan ito ng walang mass testing at hindi natututukang contact tracing, kaya mas delikado ang paglabas upang bumili ng mga gadyet at magbalik – kuha ng modyul sa eskwelahan. Ating nalaman na kaakibat ng pagtangkilik sa bagong edukasyon, marapat lamang na isaalang – alang natin ang panawagan at paglugmok ng iba’t – ibang sektor, sapagkat silang lahat ay magkaka ugnay, hindi tatakbong maayos ang ,’online classes’ kung isasawalang bahala ang tatlo pang sektor, kadikit nito.     Samakatuwid, dadaloy lamang ang makabagong pagbabago sa bagong edukasyon, kung aagapan MUNA ng solusyong medikal ang pandemiya, dahil hindi lamang tayo nag – aaral, kundi nabubuhay rin sayo sa 'gitna ng isang pandemya.'
    Pinatunayan ito ni Raoul Manuel, presidente ng National Union of Students of the Philippines at sinabing, “Progresibo sana ang online classes sa Pilipinas, kung hindi 'market -driven' ang Edukasyon, bagkus kung 'student - centered' ito.”

Comments