Agos na Kay Gulo
disclaimer: wrote this article 2 years ago, noon na gusto ko pa maging sundalo, hahaha, pero ganito pa rin siguro ako ngayon, kaibahan nga lang, nais ko nang maging doktor, haha enjoy! <333
---------------
Sino ang makapagsasabing ang kasalungat mo’y
kahulugan para sa iba? Mahina ngunit Malakas. Lampa ngunit Matatag. Ako si Maryjoy M. Sayson, kung isasalin ang
unang ngalan ko sa wikang Filipino, Maria Maligaya,at kung minsa;y Maria
Lungkot, Maria Galit. Ang pinakamahalaga sa lahat, Mariang Mapagmahal. Simulan mo nang basahin ang aking sulatin.
“Go
with the flow.”
Masasabi kong madali akong sukuan. Noon kasi,
dahil sa sobrang daing at ngalngal ko, balak nang ipasa ang aking buhay sa
puder ng aking lola. Hanggang ngayon, iyakin pa rin ako. Nyek!
May mithiin ngunit walang pangarap. Aywan ko
ba? Hindi ko nais na tawaging Doktora Marj dahil takot ako sa matatalim na
kagamitan at pulang llikodo. Hindi ko ring gugustihing maging isang accountant.
Oo nga, eyrkon nga sa opisina, sabaw na mainit-init naman ang iyong utak!
Mithiin kong maging sundalo, at hindi pangarap.
Bakit? Sino ba ang nangangarap mahiwalay sa kanyang pamilya? Nangangarap
magkaroon ng sugat at masaktan kadalasan ng oras? Matikas at buong buhay naka
lubog ang isang paa sa hukay? Siyempre, wala. Ngunit sino ang magkakaroon ng
mithiin mahalin ng buong puso ange Inang Bayan? Protekyunan ang Bayang iyong
kinalakhan. Sa tingin ko’y ikaw, sila at ako. Sa tingin ko’y lahat.
Hindi ko mawari pero isa akong taong lapitin ng
mga wask at umiiyak. Nakatutuwang isiping may tiwala ang tao sa aking mga
bulalas at opinion. Sa huli, tandaan, ang mga payoay gabay lamang, at sila pa
rin ang magtatakda ng desisyon para sa sarili nila.
Pinaka nais ko sa kung sino ako ay taong mas
mahal ang pagmamahal kaysa sa kapangyarihan. Naniniwala akong kahit anong
posisyon ang mailatag at maitakda sa akin, gagawin ko ng buong pagmamahal ang
mga tungkulin.
Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pagmamahal.
Isa akong taong hindi mabubuhay kung walang pag-ibig na nananalaytay sa akin.
Patuloy kong susundin ang aking puso sa agos ng aking paglalakbay, kasama ng
patnubay ng ating May Kapal.
“Keep
the flow going.”
Comments
Post a Comment