Hello, Love, Goodbye; Pelikulang may bahid sa pagkatao ng bawat Pilipino


“Kapag pinili mo ang sarili mo, selfish ka. Kapag pinili mo ang kasiyahan ng iba, hindi ka naman malaya at masaya.”

Dalawa lamang ito sa mga linya sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, na tila ba tumama sa aming puso, at inilabas ng aming mga luha ang kalungkutang dulot nito.

Hello. Sa pelikulang ito, ipinakita sa akin ang hirap ng pagiging isang Overseas Filipino Worker o OFW. Kasama ko ang aking Nanay sa panunuod nito, at marahil masanaintindihan ko ang pelikula dahil ipinaliwanag niya ang ilan sa eksena, tulad ng sa Hong Kong ay may tinatawag na employment visa, kung saan kung domestic helper ka, hindi ka maaring magkaroon ng ibang trabaho. Kaya ang mga pinoy ay todo kayod at hanap ng paraan, nagbebenta ng cellphones damit, nag ma manicure, at kung ano - ano pang sideline job.

Ipinakita rin ng pelikulang ito sa akin ang pagnanakaw para lang may maipantawid at maipambili ng pangangailangan. Dumanggil sa aking isip na kay swerte ko pala nakakakakin kami ng tatlong beses o mahigit pa sa isang araw. Samantalang may mga tao ibinubuwis ang kanilang buhay, kinalilimutan ang sariling kasiyahan para lang mapunan ang pangangailngan ang iba.

Sa mundo ng kahirapan, hindi kasiyahan at pagkatao mo ang mahalaga, kundi ang salapi, na sagot sa nagugutom mong kalamnan araw araw.

Siguro nga, kung talagang ang sistema ng kahirapan ay magpapatuloy sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap, maniniwala at maniniwala ako na the money make the world go round.

Kung sa atin, isang sensitibo ang kwento ng mga OFW, ginawa itong lakas at charisma ng pelikula upang mabigyang hustisya ang dalawang taong nakipagsapalaran at nagkatagpo sa panandaliang lugar, ngunit naging permanente ang pag – iibigan.

Love. Minahal ko si Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikulang ito. Sa mga mata mo talaga makikita ang katotohanan. Naniwala ako rito dahil sa kanilang paraan ng pag - arte, na hinaluan ng realidad.

Joy. Pangalan palang ay, puno na ng kaligayahan, pero kabaligtaran ang naging karansan ni Kathryn Bernardo sa pelikula. Puno ng kalungkutan, kapahamakan, kadiliman at pagdududa ang kaniyang pakikipagsapalaran sa ibang bansa.

Ethan. Ang unang naisip kong kataga ay “hindi kita iiwan” na naging totoo sa takbo ng pelikula. Napaka genuine ng pag - arte ni Alden. Malalaman mong mahal niya talaga si Joy dahil kahit nahihirapan rin siya, handa niya pa ring tulungan ito, sumusugal siya kahit delikado at ‘di sigurado, kahit may posibilidad na iwan siya, katulad ng ginawa sa kaniya ng ibang babae.

Ang mga tao naman ay tila todo pahid sa kanilang mga luha, niyayakap ang mga katabi, halos wala na nga akong nakikita kumakain ng popcorn dahil ang lahat ay tutok natutok sa panonood at ninanamnam ang sakit, pait at lungkot na dulot ng pelikula.

Goodbye. Sa pamamaalam ko sa sinehan, malaki ang aral na aking natutunan at babaunin na aking isasalaysay sa’yo.

Dumating kay Joy ang dalawang oportunidad, at kailangan niyang mamili.

Pang – una, Pamimili sa mga bagay na pareho mong gusto, at higit sa lahat, mahal mo. Naiugnay ako ang pangyayaring ito sa aking buhay, at sigurado ako dumating din sa panahong

maiuugnay mo rin ito sa iyo, dahil ang buhay, hindi ka bibigyan ng paglalakbay na para ka lamang naglalakad, na walang bako at walang humps. Ang buhay ay isang roller coaster, na hindi mawawalan ng kahindik - hindik na pangyayari. Lahat ng gawin mo ay may karampatang kahihinatnan. Isa ako sa mga taong may kahirapang nararanasan sa pagpili ng desisyon. Ito ba o ito? Yung nasa kanan ba o iyong nasa kaliwa? Yung tama ba o yung mas tama?

Pangalawa, isa ako, at ikaw, na tulad ni Joy ay may nais patunayan sa ating sarili, at sa ating pamilya. Isa akong tao na gagawin ang lahat, matupad at magawa lang ang aking naisin, ano pa man ang hadlang dito. Isa akong taong hindi maka hindi, na napagtatagumpayang mahalin ang bayad na kapalit ng aking “oo,” --- ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa akin.

“Kung mahal mo ako, bakit hindi ako ang piliin mo, Joy?

Kung mahal mo ako bakit pinapapili mo ako?”

Pangatlo, Ang pelikula ay nagsabi sa atin na, sa mga panahong, hindi mo na kayang pagsabayin ang dalawa o higit pang desisyon, hindi masamang piliin mo ang mas ikaliligaya mo at magbibigay sa iyo ng kapayapaan at fulfillment, kahit ilang beses man lamang sa iyong buhay. Tayo ay nabubulag na mas mahalaga ang sasabihin sa atin ng ibang tao, nabubulag tayo na ang tunay na kasiyahan ay makakamtan mo kung pupurihin ka ng iba, kung susunod ka sa naisin ng ibang tao.

Pang – apat, hindi masama, na unahin at isipin mo muna ang iyong sarili. Tayo ay hindi perpekto, at aminin man natin o hindi, walang permanente sa mundong ito. Life is short to depend on someone, be that independence to you want and make choices that made you happy.

Pang – lima, Sa kabilang banda, hindi rin masamang umasa na may ibubuga ka pa. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ibibigay sa atin ang ibinubulalas ng ating puso. May mga pagsubok na dadaan sa ating buhay, ngunit huwag kang mangamba. Magpahinga ka, ngunit

huwag kang susuko. Hindi mo malalaman ang kahihinatnan ng iyong mga desisyon kung hindi mo susubukan, at hindi mo malalaman ang iyong kapalaran kung ito’y iyong susukuan.

“Kathryn almost gave up and doubted herself, but I trusted her.” ika ni Direk Cathy Molina.

Samantala, hinaluan din ito ng training ang pagtrato sa mga actor ng pelikula sa paraang inilapat ito sa totoong buhay. Si Kathryn ay hindi gumagamit ng cellphone, nagluluto ng pagkain para sa kanila, at nagliligpit. Subalit ang sabi nga ng isang sikat na kasabihan, kung may tiyaga, may nilaga. Nagbunga ng magagandang papuri ang pinaghirapan nilang lahat. At nakita ko rin kung gaano ka epektibong direktora si Cathy Molina na may malinis at propesyonal na intensiyon upang gawin ang ‘tough love’ kay Kathryn, nang sa gayon ay maihatid niya ang bawat emosyon ng maayos at puno ng pagmamahal sa kaniyang ginagawa.

Ang sabi nila, “You don’t just need love teams, you need good actors and director, and that’s how best movies are made.”

Ang napagtanto ko naman, “You don’t need to struggle for it, you just need to fill it, watch it with love, and that’s how best realizations are made.”

Comments