Kung Walang Buhanging Kastilyo, Walang Matatag na Pagkatao


    Karupukan at Kahapon; ito ang itinuturing kong dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng relasyong mala - kastilyong buhangin sa buhay.     Narinig mo ba iyong sikat na linya ni Kathryn Bernado na , “Isang akap mo lang, isang kanta, isang paghingi ng tawad, wala, umiikot na uli iyong mundo ko,” ganiyan tayo, hay!     Sa makatuwid, hindi tayo natututo sa ating karupukan. Naging tahanan na natin ang sakit na dulot ng kaniyang pag - ibig. Hindi na natin alam ang salitang ‘respeto at limitasyon’ para sa ating sarili. Gusto natin, tayo ang masusunod – kahit wala na sa katuwiran.     Ibinubulalas din na, “Oo, wala na ang kahapon sa akin, naka move - on na ako,” pero ang totoo’y nanunuot pa rin sa iyong alaala ang panahong magkasama kayong hinaharap ang bawat bukas.     Binuo niyo ng ilang taon ang kastilyo ng inyong pagmamahalan, ngunit saka mo napagtanto na hindi pala ito Kastilyong Batong hitik sa tibay; Kastilyong Buhangin pala itong puno sakit at puro kamalian, na segundo lamang ang katapat, upang gumuho at maglaho.     Sa mahabang pag mumuni - muni’y naisip ko, na may dalawa ring solusyon sa ating dalawang suliranin.     Kailangan muna nating magkamali at madapa, upang matuto at maging matatag. Diba nga, sambit ng isang kasabihan, ang pinaka magiting na guro, ay karanasan.     Pang - una, kailangan mong tanggapin ang katotohan, kahit gugugol ka man ng matagal na panahon para rito. Huwag mong sayangin ang iyong mga pinagdaanan. Ang mga pagkakamali nati’y instrumento upang tayo’y umahon sa karunungan, at hindi para sa lumubog sa nararamdamang kalungkutan.     Sinabi sa John 8:32, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”     Pangalawa, huwag ka na ring bumalik sa nakaraan at tumanaw sa kasalukuyan, bagkus, yakapin mo ang kasalukuyan.     Naipahayag sa Mateo 6:34, “Kaya nga, huwag ninyong alalahanin ang bukas; sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya.”     Katotohanan at Kasalukuyan; ito ang itinuturing kong dahilan kung bakit patuloy na nagiging matatag ang ating pagkatao, sa kabila ng sakit na dulot ng maling pag - ibig. Magiging Kastilyong Bato muna ako para sa aking sarili, at sa tamang pag - ibig, ako’y maghihintay.

    ps: hi neil :)) !! stay safe.

Comments