COVID - 19 PRIMER : LAHAT NG DAPAT MONG MALAMAN PATUNGKOL SA COVID - 19 [Tagalog]
1. Ano ang COVID – 19 ? Ito ang pinakabagong uri ng coronavirus disease, na unang opisyal na natukoy bilang SARS – COV – 2. Kabilang sa Coronaviridae family, na uri ng virus. Tandaan: Ang COVID - 19 ay hindi isang virus, ito ay isang sakit, na coronavirus ang nakapag sasanhi. Iniuugnay rito ang ilang sakit katulad ng SARS ( severe acute respiratory syndrome) , MERS-COV (Middle East respiratory syndrome coronavirus), and sa common colds. 2. Ano ang iba’t – ibang uri ng Coronavirus (simula sa pinakauna, hanggang sa pinabago)? • Human coronavirus 229E (HCoV-229E) • Human coronavirus OC43 (HCoV-OC43) • SARS-CoV • Human coronavirus NL63 (HCoV-NL63, New Haven coronavirus) • Human coronavirus HKU1 • Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) • Novel coronavirus (2019-nCoV) 3. Ano ang pinagmulan ng COVID – 19? Nagmula ito sa bayan ng Wuhan, probinsya ng Hubei, sa bansang China. 4. Kauna – unahang kaso ng COVID – 19? Noong Nobyembre 17, 2019, napaghinalaan na ang isang l...